Tuesday, January 11, 2011

Taxi Driver

Bihirang bihira talaga ako makasakay ng taxi na ang driver ay matino. Up to now ay mabibilang ko pa lang sa isang kamay ko ang matitinong driver na nasakyan ko na. Karamihan ay mga mukhang pera at balasubas ang mga ito.

Noong nakaraaang linggo lang ay kasama ko ang pamilya ko na namalengke kami sa may Robinsons Supermarket sa tapat lang ng SM Fairview. At the same time ay bumili rin kami ng bagong computer chair. Dahil ang luma naming computer chair ay wasak wasak at lasug lasug na. Maliban sa aking asawa, ay kasama ko pa ang tatlo kong chikiting. Sa madaling salita ay marami kaming dala at mahihirapan kaming isakay sa jeep ang mga ito. Dahil dito ay nag pasya kami na mag taxi na lang. Habang nakatayo ay kitang kita ko na namimili talaga ng pasahero ang mga taxi driver (paalala lang po sa mga taxi driver na nakakabasa nito, ang pamimili o pagtangi man sa mga pasahero ay bawal po ayon sa batas). Pagkatapos tangihan nung mamang taxi driver yung nasa harapan namin ay sa amin huminto. Nang nalaman nya na malapit lang ang bahay namin ay agad itong pumayag. Nang pag dating sa aming bahay nakita ko na P45 lang ang nasa metro. Tatlong P20 (bale P60) ang pera ko at wala na akong barya. Tinanong ko ang asawa ko at sabi nyang wala rin syang barya. Kaya binigay ko na lang ang tatlong P20. Sabay bulsa kaagad ng damuhong taxi driver sabay tingin sa malayo at dead ma na sa akin. Tinanong ko kung wala na bang sukli? Sabi nya "hapi new year ho" sabay dilat ng mata sa akin. Aba? ang damuhong ito, parang sya pa ang galit nang humingi ako ng sukli ah. Happy new year daw? Sa isip-isip ko eh halos isang linggo nang tapos ang new year ah. Pinabayaan ko na lang at bumaba na lang ako.

Pina ubaya ko na lang sa DIOS ang bagay na ito. Inisip ko na lang na sana ay sa asawa at mga anak nya gamitin ang mga kinita nyang pera at hindi nya gagamitin sa alak,sigarilyo,beer house at kung ano anong layaw. Okay lang sa akin yan dahil alam ko namang mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Pero paano kaya yung mga bisita nating dayuhan? Ang mga taxi driver kasi ang mga unang sumasalubong sa kanila mula sa airport(maliban na lang kung meron silang sundong sasakyan). Baka maging masama ang tingin ng mga turista sa mga Pilipino. Meron kasing kasabihan na "First impression last".

Hay naku, ang mabuti pa ay panoodin nyo na lang ang video na ito para lalo nyo akong maintindihan.


4 comments:

Mark Rosario said...

Paturuan na lang natin ng leksyon kay Alipin! Hehehe...

Gio Paredes said...

Tama ka jan Markus. Hehehe

Hazel Manzano said...

Naku, putol ang ulo nito kapag sa Davao niya ginawa yan!

Gio Paredes said...

Talaga Hazel? Stricto ba ang pagpapatupad ng batas duon?