Sunday, June 14, 2009

Bill on RP flag

Mag tatagalog uli ako dito dahil tungkol nanaman sa gobyerno itong topic ko. Nakakahiya sa mga poren-ger kung mababasa nila itong article na ito na tunkol sa makitid na utak nating gobyerno.

Matagal ko na gustong i-blog ito eh.. ngayon lang ako kinati ng daliri sa pag-ta-type. Tungkol ito sa isang article na tinuro sa akin ng isa kaibigan.. paki click ito.

Pasintabi na lang po sa lahat ng Pinoy na makakabasa nitong post na ito dahil medyo mainit lang talaga ang ulo ko ngayon dahil sa Bill na ito at sa mga nag pasa nito. Bill on RP flag daw yan. Nabahala ang kaibigan ko dahil sa character ko na si Kalayaan.

Ako, personally ay hindi ako masyadong nag wo-worry dyan.
because of the following reasons.

Ang pinag babawalan dyan ay yung national anthem na binabago ng mga singer ang tono. Which I think is not intentional naman. Kanya kanyang style kasi ang pag kanta. Tulad ng pag drawing. Napaka hirap gawing standard talaga yan lalo na pag nakasanayan mo na ang istilo mo. So hindi mo pwedeng pilitin na exactong exacto ang kanta ng mga singers talaga. Napanood ko at napakingan ang pag kanta ni Martin. Okay naman para sa akin, hindi nya naman binago ng husto, bagkus ay mabilis at pa marcha pa nga ang kanta nya, which is very similar sa original na tono ni Juan Felipe, yung sa bandang huli lang yata sya bumirit. At dapat lang, alanganamang hindi bibirit sa huli. Edi nag mukhang kawawa naman tayo sa national anthem ng US at UK. Demmmet.

Yung ipag bawal na lang siguro yung pag kanta ng wala sa tono. Masakit kasi sa tenge eh. Isama na rin natin yung pag babawal sa pag kanta ng "My Way". Kasi may namamatay dyan eh.

Another point of the article is the fassion accesories. Sikat kasi ngayon dito ang 3 stars and a sun na t-shirt na pinauso ng yumaong si Francis M., at lalong sumikat pa ito nang namatay sya. Kung talagang seryoso sila (ang gobyerno) sa batas na ito. Una nilang punahin ang mga (kawawang) athlete na nag susuot ng sweater na Phil. Flag. Which I think is not a disrespect. Ipinapakita lang nila na proud sila na maging Pilipino. Kahit nasa loob at labas sila ng bansa.

Sa batas kasi, there must be a malicious intent na dapat makita ng judge para mapatawan ng kaukulang parusa ang isang tao. Kahit na nakapatay ang isang tao, if it is not intentional, mababa ang parusa. Yang batas na iyan ay para ma protektahan ang mga sagisag ng ating bansa sa pang babastos at pang bababoy. As far as I know, hindi naman baboy ang character ko. Kalayaan ang name nya at hindi SuperPig. At lalong hinding hindi binabastos ng comics ko ang kahit na anong sagisag ng ating bansa. Bagkus ay ipinopromote pa nito ang pagiging nationalistic at pagiging proud na maging Pinoy. Saan ka ba naman nakakita ng comics ngayon na guest star nila si Lapu-lapu? At sa tingin ko ay kailangan ng bansa natin ngayon ang pagiging nationalistic. Kaya nga tayo masaya pag nananalo si Paquiao eh, dahil tumataas ng konti ang moral natin na pagiging Pilipino. Dahil sa sunod sunod na scandal sa gobyerno. Hindi pa sumusulpot ang video scandal ni Hayden Kho at Katrina ay napaka rami nang scandal sa malakanyan.. helllo?.. hellooo?, Garciiiii?

Ang intent ko kasi talaga kaya ko ginawa ang character kong ito. Ay para meron tayong (ang Pilipinas) pang tapat kay Captain America at Captain Britain. Na kokornihan lang ako kaya hindi ko ginawang Kapitan Pilipinas eh. Kalayaan na lang, mas cool di ba?

Sa nabasa ko sa article, hindi naman sakop ng batas na ito ang Superhero sa comics. So, my comics is pretty much safe. It will only apply to a real life person wearing and disrespect the flag. It does not apply to a fictional character like in the comics.

At ang isa pang dahilan kaya hindi ako kinakabahan sa batas na ito ay dahil sa mga nagpapatupad ng mga batas. Alam nyo naman dito sa Pilipinas. Implementation of Law is very hard to come by. Kahit na may batas na bawal manigarilyo sa public place. Walang humuhuli. The Law, here is not strictly being implemented, unlike in other countries (teka, bat ingles to?, back to tagalog uli). Bawal ang mandaya ng tax pero lahat ng company dito ay may 2 book (sa accounting). Isa para sa BIR(yung peke) at isa (yung totoo) para sa may ari ng company. Bawal din ang corruption sa batas. Pero 100% ng ahensya sa gobyerno ay meron nyan. Meron bang nakulong sa kanila? Meron ngang isang nakunan na ng video camera na tumatangap ng lagay eh nangangatwiran pa.

If worst comes to worst na pupunahin nila ang comics ko na Kalayaan. Mag aabroad na lang din ako, at duon ako gagawa ng comics. Letche sila.

Buti pa sa abroad hindi pinagbabawalan yung creator ng Captain America.

7 comments:

Ner P said...

i'm very much aware of your situation my friend. we are on the same boat with my sandata character.

as far as i know the only thing that would be the case for us will be using the colors of the flag, but that is also very broad. "colors of the flag" refers to the "official flag".

same with other countries.. a cake with a design of a flag, will always be a cake. and a dress with the same design is not a flag. especially if you based it on the flag law.

Mark Rosario said...

I find nothing wrong with flag-based merchandise and characters. Di ba sila masaya na proud pa ring maging Pinoy ang mga tumatangkilik at lumilikha nito kahit na minsan eh negative ang impression sa atin ng ibang bansa?

Kung ako ang tatanungin, ang tunay na disrespect sa flag ay yung mga flag mismo na hindi maayos ang pagkakalagay sa mga pole, yung mga punit-punit na eh nakasabit pa rin o kaya yun namang mga iba na ang kulay at kupas na eh hindi pa rin pinapalitan. For me, mas masakit sa mata yun.

Opinyon lang naman. Heheheh...

Reno said...

Actually, halos pareho ang flag law ng Pilipinas at US. Kahit sa US, isinasaad na bawal gamiting damit o accessory ang US flag, katulad dito.

Iyon nga lang, meron silang Fifth Amendment, o ang batas na nagsasaad ng Freedom of Speech. So dahil doon puwede nilang gawin ang kahit ano sa flag nila. Di ba't ginagawa pa nilang bikini ito?

Di ko lang alam kung meron tayong katumbas na Freedom of Speech sa konstitusyon natin, kung meron iyon ang magiging basehan ng pagdepensa sa costume na hango sa Philippine Flag.

Alam niyo din ba na bawal gawing ornament sa kotse ang Philippine Flag? Nakasaad iyan sa batas. Hinuhuli ba ng MMDA ang mga kotse na meron nito? Di naman, di ba?

Tungkol naman sa National Anthem, marahil nagsimula lahat iyan sa pagkanta ni Martin Nievera. Maganda naman ang pagkakanta, di ba? At katono naman ng Lupang Hinirang. Anong ipinuputok ng butsi ng iba diyan? Naghahanap lang ng magagawa iyang mga iyan, eleksiyon na kasi. Sa gobyerno naman karamihan ng ginagawa walang kuwenta. Alam niyo ba noong umattend kami ng isang pagpupulong ng Congress, isang buong araw ang inabot nila sa pagdedebate kung papalitan o hindi ang pangalan ng isang kalye? Ganun doon.

Jaybee said...

Anak ng patatas talaga ang mga taong Gobyerno na yon oh!
Ayaw ba nilang mapromote ang bansa natin?
Tama ka Sir Gio, sa mga katiwalian sa loob ng gobyerno eh wala silang magawa... kaya siguro gumawa na lang sila ng isang batas para lang masabing may naipasa sila! hahahaha

Nagiging engot na ata ang mga pulitiko! pati ang scandal ni Hayden at Katrina pinatulan! Anu ba naman yan?!!!

Basta, Kalayaan Fan till the end (Last Issue) hehehe

Randy Albert said...

Oo Sir mga Leche talaga sila!!!

Gio Paredes said...

@Ner
Anong sabi mo? Dumugo ilong ko sa ingles mo ah.. Nose bleed pare. hehehe

@Markus
Actually Markus, nasa batas din natin yun. Na kapag punit punit na ang flag or luma na ay dapad nang palitan. Kita nyo na, hindi talaga implemented ang Law dito masyado sa atin. :-(

@Reno
Oo nga, malapit nanaman ang election eh. Kaya parang palaka sila na natubigan. Kanya kanyang dada at papansin.

@Jaybee said...
"Basta, Kalayaan Fan till the end (Last Issue) hehehe"

Masyado naman akong na touch sa sinabi mong yan. Maraming salamat sa suporta.

@Randy Albert said...
"Oo Sir mga Leche talaga sila!!!"

Hehehe... natawa naman ako sa sinabi mong yan. :D

Ner P said...

@ reno

actually anything flag like stuff that doesn't follow the specifications of the flag law is not considered an "official flag", there fore you are not breaking the law if you have flag inspired stuff.

one tiny difference or a change of pantone colors, will produced only a flag inspired product.

but if you have a scaled design of the flag like in uniforms and other clothing that conforms to the specifications of the "official flag", then you are breaking the law. only athletes and soldiers are allowed to weear them.