Friday, January 08, 2010

New Years Resolution

In the beginning of every year the sales of exercise equipment and gym memberships are at their annual highs. Why? It’s driven by “New Year’s resolutions fever“ (that is people are making new year‘s resolutions - mostly that of losing weight and being fit).

Isa na siguro ako dun sa mga taong nag sasabing mag papapayat ngayong taon. Actually, ayaw ko naman talagang pumayat eh. Ang gusto ko lang naman eh mawala ang bilugan kong tyan. :-( ..... okay na siguro yung ala Piolo Pascual na abs... pwede ko nang pag tyagaan yung ganoong look. Ang problema lang kasi eh napaka bait ng boss ko (hindi ko nga alam kung swerte ba ito o malas). Madalas nya kasi ako bigyan ng kung ano anong pag kain.... coffee, bread, coke, sandwitch at kung ano ano pa. Pakiramdam ko tuloy ay teachers pet ako dito. Pero sa totoo lang eh generous talaga sya. Katulad ngayong hapon lang. Nag pabili sya ng isang bilaong palabok na napaka sarap para pag salusaluhan namin. Parang nananadya itong tadhana na ito at alam nya na paborito ko ang palabok. Samantalang kagabi lang eh tagaktak ang pawis ko kaka workout para lang lumiit ang tyan ko.

Ang hirap din kasi ng isang computer programmer, laging naka upo lang kaya bumibilog ang tyan ko. :-( Pero kahit ganun pa man eh binabawi ko na lang ito sa jogging at excersise sa bahay. Mas determinado na ako ngayon kaysa last year.

Now, if you excuse me. Uubusin ko muna itong palabok sa tabi ko. :D


.

No comments: