Tuesday, August 03, 2010

Alak



I gave up drinking any kind of alcohol at exactly 10 years ago. Pero kahit noong umiinom pa ako dati, aminado ako na hindi talaga masarap ang beer at lalong lalo na ang mga hard drinks. Umiinom lang ako noon kapag may problema at galit ako sa sarili ko, kapag gusto kong pahirapan ang sarili ko, at kung minsan naman ay naaaya lang ako ng mga kaibigan ko.

Pero ngayon, kahit ayain pa ako ng mga malalapit kong kamag anak ay hindi na talaga ako mapilit nila. Eto naman ang malalaking pasasalamat ng asawa ko sa akin. Kinukwento kasi nya sa akin noong dalaga pa sya ay pinag darasal nya na wala sanang bisyo ang mapangasawa nya. Katulad ko rin kasi, laki rin sya sa hirap kung saan ang mga kapitbahay namin kadalasang may session tuwing sabado at lingo. With matching yosi pa ang mga yun.

Sa bansa natin kung saan laganap ang kahirapan, imbes na mag paka lunod sa alak, sigarilyo at kung ano ano pang bisyo. Mas maganda sana ay ipunin na lang natin ang perang pang bili nito at gastusin na lang sa pagkain ng ating pamilya.

2 comments:

Mark Rosario said...

Some who drink think its a "macho thing" but there's really nothing macho about being sickly later on.

Gio Paredes said...

Tama ka jan Markus.