Wednesday, October 06, 2010

Katamaran

Likas na masisipag at matiisin ang mga Pilipino. Hindi masyadong mapili sa trabaho, basta mapag kakakitaan ay pinapasok nito. Pero meron din talagang mga ilang tao talaga na saksakan ng tamad. It really amazes me on how a person could sometimes be extremely lazy.

Nawirdohan talaga ako kaninang umaga nang sumakay ang isang office girl sa jeep na sinasakyan ko sa bandang commonwealth avenue. Agad syang nagbayad at wala pang SAMPUNG SEGUNDO (10 Seconds, at hindi 10 minutes ha) ay bumaba na sya. Wala po syang naiwan sa bahay nila para balikan, kundi ay pumasok na sya sa isang building (malamang iyon ang office nila). Samakatuwid ay talagang tinatamad lang syang maglakad sa kalsada kahit napakalapit lang ng lalakarin. Mas gusto pa nya talagang gumastos ng pera kaysa mag exercise ng konte sa paglalakad. Okay lang sana kung malayo at may mga balakid sa daan. Pero hindi, tinignan ko ang sidewalk at ito ay maayos naman at kakasemento pa nga lang (bagong gawa lang).

Sa office building naman namin, ay madalas akong makasabay sa elevator ng mga taong masyadong mabigat ang katawan. Ang mga taong ito ay nag aantay ng 3 to 4 minutes sa ground floor upang makasakay ng elevator. Ang masaklap dito ay sa 2nd floor lang pala ang pupuntahan nila na pwede naman mag hagdanan at wala pang isang minuto ay nanduon na sila. Mas gusto pang mag antay ng matagal at makipag siksikan sa loob ng elevator kaysa umakyat ng hagdan. Yung janitor ng building namin ay napapa iling parati sabay sabi na “Sayang lang ang pinag antay nila ng matagal, 2nd floor lang pala sila.”

Naalala ko noon sa dati kong company na pinasukan sa may bandang Quezon City (my first job as a junior programmer). Meron isang part owner ng company namin na lagi na lang kinukulit ang janitor namin. Pag naroon kasi sya sa office namin, lagi nyang tinatawagan sa TELEPONO si mang janitor na nasa kabilang kwarto lang naman. At alam nyo po ba ang inuutos? Pinapakuha nya ang ash tray para sa kanyang sigarilyo. At ang ash tray na ito ay nasa kabilang mesa nya lang.

Para sa panahon nating ito na nagiging health conscious ang karamihan sa atin. Sa aking personal na opinion ay mas maganda pang maging masipag ng kaonte kaysa gumastos ng malaking halaga para mag join sa mga fitness gym. Kung kakayanin naman natin na huwag nang magtricycle mula sa kanto hanggang sa bahay ay mas mainaman na maglakad na lang. Makakatipid na tayo, magiging fit pa ang katawan.


2 comments:

The Raipo said...

Anu ba naman yan. Yung babae na sinasabi mo yun ang pinakagrabe.

Sa akin lang, naasar ako sa mga taong pagkaluwag luwag ng dyip tapos sasakay at uupo sa may bandang dulo tapos ipapasuyo ang bayad at sukli nila.

Gio Paredes said...

Agree ako sa lahat ng sinabi mo Raipo.
Talagang na weirdohan ako dun sa babae at bilang pumara agad pagkabayad na pagkabayad.