Tuesday, January 06, 2009

I must be going crazy

The day that I had an idea for a new Kalayaan costume, I had a little argument with him.
---
Gio : Sige na pumayag ka na. Lalagyan kita ng Kapa. Superman has one, Capt. Marvel (Shazam) has “Cape” and even Majestic has a “Cape”. That will be cool ... sige na.

Kalayaan: Cool mo mukha mo. Ayoko nga mag suot ng Kapa. Bat mo naman ako igagaya sa mga iyon eh puro mga KANO yun. Mag karoon ka nga ng sariling originality at wag kang gaya gaya sa iba. Pa ingles ingles ka pa dyan. Conyo ka talaga ano? At isa pa, Martial Artist ako, nakaka sagabal iyang KAPA pag nakikipag laban na ako. Hindi mo ba napanood ang “The Incredibles” ng Pixar? Ika nga ni Edna eh “Nooooooo Cape”.

Gio : Eh ikaw pala dyan ang nag i-ingless eh. Si Captain Barbel, Pinoy may Kapa rin naman ah.

Kalayaan: Ginaya ko lang si Edna, ano ka ba? Basta... ayoko pa ring mag karoon ng Kapa.

Gio: Oh sige ganito na lang. Kakabasa ko lang kasi ng Rambol comics eh. Ang setup noon ay sa Future. Mga 30 to 40 year ahead sa time line mo ngayon. Medyo na inspired ako ng konti.

Kalayaan: Tapos? Ano ngayon?

Gio: Iniisiip ko kasi kung ano na ang itsura mo sa panahon na iyon? Medyo matanda ...este matured na lang pala. Iniisip ko kasing lagyan kita ng balbas.. at medyo puti ang buhok mo, sa gilid lang naman tulad ni Mr. Fantastic (Reed Richards). At syempre lalagyan kita ng Cape. Oh ayan ha. Sa future pa naman yun. 30 to 40 years pa, at hindi ngayon... siguro naman ay papayag ka na nyan.

Kalayaan : Pag isipan ko muna...... Dapat kasi may purpose bakit ako nag kapa eh.

Gio : May idea na rin ako dyan, wag kang mag alala.

Kalayaan : Ano naman yun?

Gio : Hindi kasi ordinaryong Cape ang ilalagay ko sa iyo. “Cape of healing” iyon. Astig di ba?

Kalayaan : “Cape of Healing” ano yun? Parang Wolverine ako pag suot suot ko iyon? May healing factor? Wala ka talagang originality. Baka pag sabihan nanaman tayo ng mga walang hiyang critic na “Ayyy Parang si gito, parang si ganun”. Letche yang mga yan.

Gio : Hindi .. ikaw naman oh. .... pero parang ganun na nga. Wag mo na pansinin yung mga critics na yun. Ganun talaga pag nag publish ng comics, hindi mawawala yun. Anyway, basically, sasabihin ko na hindi naman talaga para sa iyo yung powers ng “Cape of healing” na iyon. Para iyon sa mga taong nililigtas mo. Halimbawa, may sinagip ka na Lola, sa nasusunog na bahay. Tapos nagkaroon ng pilay si Lola. Babalutan mo lang sya ng kapa at gagaling na sya. Cool di ba? Pwede na yun. Magandang idea yun. At isa pa, pag may Kapa ka, mas lalo kang mag mumukhang Super-Duper Lakas.

Kalayaan : Sige na nga.. medyo maganda ang dating sa akin kung ganyan. Medyo ma iilang ako ng konti sa pag soot ng Kapa, pero okey lang, alang-alang sa mga taong masasagip ko. Basta sa Future wag mo akong lalagyan ng ringkels sa mukha ha. Kundi mag aaway tayo.... Pero teka? Saan naman nang galing ang Kapang iyon?

Gio : Balak ko kasing gawing regalo iyon ng Lolo mo sa iyo. Lolo mo sa mother side mo. Alam mo naman yung mga kamag anak mo sa mother side mo... MALALAKAS na nilalang at masyadong mga misteryoso ang mga yun.

Kalayaan : Teka... HINDI KO YUN ALAM AH? Ang dami mo palang alam sa mga kamag anak ko bat di mo sinasabi sa akin.

Gio : Shhhhhh, wag kang maingay... ibubulong ko na lang sa iyo. Baka kasi may maka rinig eh

(wishu wishu, bulong bulong, wishu wishu, bulong bulong)

Kalayaan : HA!!!? GANUN? ANAK NG KAMOTE.. Talaga?

Gio : Oo, kaya wag kang maingay. Sikret natin yun. :D


6 comments:

Mark Rosario said...

"Hhhhmm..."

Yan lang ang masasabi ko!

Isa pa: "hhhhmm..."

heheheh

Myke and Christine Guisinga said...

Tanging-inah! Masarap kausap si Freed.o.m. este "kahalayan...este Kalayaan pala. Hindi katulad ni Clawie... Eto lagi isasagot syo pag nagtangka kang kausapin..."I don't need your help!" o "Claw works alone!" at isa pa pag kupal na kupal sya sa kaharap nyang kapwa hero... "Don't think we're friends as$H@7#!" Maski nga ako nasasagasaan ng init ng ulo nun ehh...Paksyet na yun!

Nway, Kaingit ang bonding nyo.

Kaingit ingit!

Anonymous said...

Hello, I invite you to visit my blog too. =)

Gio Paredes said...

Ganun ba Myke?
Suplado talaga yang Claw na yan ah. :D

Myke and Christine Guisinga said...

Makakahanap din ng katapat yan si Clawie...Sigurado ko alam mo na kung sino yun Gio-papie-beybie! :D

r3k0mz said...

what a cool post..

maganda ang set up ng story..

:)