Naka sakay ako sa jeep papunta sa isang client sa Quezon City. Nakita ko sa tabi ng kalsada ang isang kariton. At sa tabi ng karitong iyon ay mayroong mag asawang naglatag ng dyaryo at kumakain. Napaisip tuloy ako kung paano kaya kung ako at ang pamilya ko ang kumakain sa bangketang iyon. Lagi ko kasing inilalagay ang sarili ko sa position ng ibang tao (mapa mayaman o mapa mahirap man) upang madali kong maunawaan ang kanilang nararamdaman. Nang nakita ko ang mga pulubing nasa tabi ng kalsada ay nagpasalamat kaagad ako sa DIOS at hindi ito naranasan ng pamilya ko.
Isang tanghali sa may bandang Kamias sa Q.C. ay napag pasyahan kong kumain ng tanghalian sa Jollibee. Habang nakapila ako ay narinig kong pinapagalitan ng nasaharapan kong ale ang cashier dahil napakatagal daw dumating ng kanyang order na pagkain. Lalong nagalit ang ale nang sinabi ng cashier na 20min. pa daw ito darating. Nang nakuha ko na ang order ko ay tahimik na akong naupo sa isang tabi. See through window glass ang mga haligi ng Jollibee kaya kitang kita ang labas. Magkaka kitaan kayo ng mga taong naglalakad sa labas at kumakain sa loob. Naagaw ang pansin ko ng may tumayong dalawang lalake na may bitbit na tag tatlong painting with wooden frame. Magaganda ang painting na dala nila. Nagulat ako ng konte ng itinaas nila ang mga hawak nilang mga painting para ipakita sa mga kumakain sa loob ng Jollibee. Mga tindero pala ito ng mga painting sa lansangan na napaka init. Nagpasalamat uli ako at hindi ko naranasan ang ganung trabaho at ako ay nasa loob ng Jollibee at nag e-enjoy ng pag kain ko. Bigla ko tuloy na alala yung babaeng mataray na inaaway ang cashier. Sariwang sariwa pa ang tenga ko sa pag so-sorry ng cashier at gigil na boses ng babaeng matabang customer. Nag imagine tuloy ako kung kaya nya kayang mag benta ng kahit na anong produkto sa lansangan yung babaeng mataba na iyon.
Halos araw araw ay mayroon akong nakakasalubong na pulubi, walang bahay, Utility person, mga namamalimos at mga taong walang makain at naghahalungkat lang ng maisusubo nya sa basurahan.Yan ang mga dahilan kung bakit tayo dapat magpasalamat sa DIOS araw araw. Magpasalamat ka rin dapat at ikaw ay pa-internet internet lang at pabasa-basa lang ng mga blog site na tulad nito.

1 comment:
AMEN to this Blog
Post a Comment