Saturday, May 12, 2007
Kalayaan #1 on display
Nope, this is not comic odyssey.
This is just my computer table.
Im just mimicing the actual look of the display in comic odyssey when I went there yesterday.
Nakakahiya kasing kuhaan ng picture duon sa loob. Ganoon pala ang feeling ng makita mong naka display na ang gawa mong komiks for sale na sa store. Ibang klase.
Maybe because this is my first time. I really felt proud and happy. Para nga akong security guard duon. I was spying to the people that were looking around at the indie section. Natutuwa ako kapag merong tumitingin . Kahit hindi sila bumili ok lang din. (Kayong mga veteran ganito rin ba kayo dati noong nagsisimula pa kayo?)
Lumabas pa nga ako para hindi masyadong halata. hehehe.
Kunyari nag titingin ng mga figurin duon sa labas.
Actually sa totoo nyan..Nahihiya nga ako..Because I really feel that my art in Issue #1 isnt really that good. Kinapalan ko lang talaga ang mukha ko. Hayyy, nasabi ko rin iyon sa wakas. I've been wanting to said that for the longest time.
I have made and learn some mistakes in that issue such as paper size, material to be use,character position and many more. I am still learning how to draw. Pero, in issue #2, I can say mas nag improve naman ako ng konti. I have already finished the pencils, ink and scanning of #2. Dialog na lang. I am also currently drawing #3.
I have noticed that the more I draw sequential pages, the more faster I become. Noong nag start kasi ako sa few pages of #1. Ang tagal. Isang page lang, it took me months. Nyek. Pero practice makes you better nga. Now I can finish a page a day. Whole day that is, without any interuption. Kapag may pasok ako sa office, it takes me longer(syempre). Sa gabi ko lang nagagawa. Around 10 - 1am. Tyagaan lang talaga to. There's no turning back now.
Thanks nga pala sa mga taga Comic Odyssey. Special to Sandy Sansolis for making the locally made komiks very visible on their store. Pag pasok mo palang..Boom..kitang kita.
Yung iba kasi ang hirap mag consign sa kanila, daming requirements. Samantalang sa Comic Odyssey, isang salita lang Go kaagad.
At kung matangap man duon sa iba, nasa isang sulok na tagong tago naman ilalagay. Kapag tatanungin mo pa ang sales lady at bibili ka. Sasabihin sa iyo. 'Anong title yun? Hmmmmm wala kami noon'. Pero meron naman. In short, they dont care. Paano kaya mabebenta iyon? Wawa naman ang indi komiks. :-(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment