Dito sa lugar namin, maaga pa lang sold out na ang NFA rice na mura sa tindahan. At kung meron ka namang makikitang tindahan na nagtitinda ng NFA rice eh ang haaaaaaaba ng pila. Talo pa ang blockbuster movie ni nora at tirso dati. (napaghahalata tuloy ang edad ko dito ah.)
Iba talaga ang panlasa ng pinoy. Yung kapit bahay ko dito, dumating ang kapatid nya galing canada. Request nya ay pinakbet kaagad. Miss na miss na nya raw ang pagkaing noypi. Kaya mahigpit na talaga ngayon ang security ng mga airport, hindi lang sa mga terorista. Pati na rin sa mga pinoy na tirador ng mga daing,tuyo,tinapa,bagoong at durian. Asar na asar daw ang mga puti pag nakaka amoy ng duryan sa loob ng eroplano. At kapag bababa na daw ang eroplano sa airport, meron daw special message para sa mga pinoy. Hindi ko lang alam kung totoo ito(joke lang sana). "Ang mga plato,kutsara,tinidor, unan at kumot ay hindi po kasama sa inyong binayaran. Paki iwan lang po ang mga iyan sa eroplano. Maraming salamat po."
Isa rin siguro sa dahilan kaya hindi ako masyadong interesado mag abroad ay dahil sa tyan ko. Medyo sensitive sya. Sinubukan ko kasi dating 2x a day lang ako kumain ng kanin. At ayun, after 2 days namilipit ako sa sakit ng ulcer ko. Na wirdohan nga ako dati noong kumain ako sa KFC. May nakatabi akong pinoy na may kasamang puti. Pagdating ng pagkain nila. Binigay ni Joe ang kanini kay Juan. Ang sarap ng kain ni Joe sa chicken lang, kahit walang kanin. Nabitin pa nga eh at omorder pa ng isa.
Sanayan lang siguro yan.
Dito na lang muna at pipila pa ako sa NFA rice eh.

No comments:
Post a Comment